GAWAIN 2 PILING LARANG

VILLAROSA , REGINE M. 
GRADE 12 ABM - GATES
OCTOBER 18 , 2022



  Pamagat: 
  KALUSUGANG PANGKAISIPAN NG MGA MAG-AARAL SA GITNA NG PANDEMYA. 
 
   • Sa pagsapit ng buwan ng Enero, taon 2020 idineklara ng World Health Organization (WHO) ang Coronavirus disease - 2019 bilang isang pandemya. Dahil sa balitang ito kaya't ngadulot ito nang biglaang pagbabago sa bawat aspeto ng buhay ng mga tao lalo na sa aming nakakabatang henerasyon at lubos na naapektuhan ng pandemya ang kalusugang pagkaisipan naming mga kabataan. 
.  
 - Nang nagkaroon ng pandemya ang buong mundo, maraming hindi inaasahang pagbabago ang dumating sa buhay ng mga tao. At ang naging epekto nito sa buhay ng bawat isa lalo na ang tulad naming kabataan ang pinaka-apektado sa pagdating ng pandemya sa lipunan. Lalo na ang aming kalusugang pangkaisipan. Kaming mga kabataan ay higit na nakakaranas ng takot, pag-aalala, at emosyonal stress.
       Sa pagdating ng pandemya maraming paaralan ang ipinasara para sa kapakanan ng bawat estudyante kaya't sa makabagong paraan ng pag-aaral sa dumating na taon ang naging rason kung bakit ipinagbawal na lumabas ang mga kabataan mula sa kanilang mga tahanan at ang paggamit ng mga online application ang naging tulay para makapag-aral ang mga estudyante. Ang pagbabad sa harap ng monitor ay nagdudulot ng masamang epekto , at nagbibigay ng dahilan kung bakit tumataas ang problema sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral dito sa ating lipunan. 
     Ang paglipt sa distance learning mode ay isa sa malaking dahilan kung bakit nakakaranas ng stress ang mga estudyante at ang iba sa amin ay nahihirapang makisabay sa takbo ng bagong paraan kung paano mag-aral at matuto. 
Salamat. 




Reference: 
( kontoangelos et al. 2020)